Hi!!!,I'm Cecilia,ito ang title na napili ko dahil marami akong nakikita sa aking paligid na nakakatanggap ng iba't-ibang regalo.Hindi man ito isang materyal na bagay na natatanggap tulad ng mga magagandang gamit ngunit isa naman itong importanteng bahagi ng ating buhay.Hindi naman ako isang malalim na tao na mahirap unawain (minsan madrama lang kaya minsan ay hindi maintindihan).
Maraming tao sa mundo ang nakakatanggap ng mga regalo lalong lalo na kapag sasapit na ang kapaskuhan.Ang mga bata ay tuwang-tuwa sa tuiwing sila ay reregaluhan ng kanilang mga ninong at ninang.Sa ating mga magulang, higit na sila ay masaya sa tuwing tayong mga anak ay kanilang mabigyan ng kahit mumunting regalo dahil alam nila na kahit sa munting regalo na ito ay mapapasaya nila ang kanilang mga anak.Para sa ating mga magulang tayo ang itinuturing nilang isang napakalaking regalo na kanilang natanggap mula sa Diyos kaya gayon na lamng ang pagpapahalaga nila sa atin.
Para sa akin ang aking mga magulang at mga kapatid ang isa sa pinakamahalagang regalo ss aking buhay dahil sila ang numero unong nagtuturo at gumagabay sa akin.dahil sa kanila ay natuto ako sa buhay.Ang kanilang mga pangaral ay hindi ko makakalimutan sapagkat alam ko sa aking sarili na ito ay magiging gabay o instrumento para harapin at masolusyunan ang mga hamon at problema na dumarating sa aking buhay.
Ako ay isang simpleng tao na mayroong simpleng pangarap sa buhay at ito ay ang makatulong sa aking magulang at mga kapatid.Pangarap ko na balang araw ay maiaahon ko rin sila sa kahirapan.(simple lang diba!!!).Naniniwala ako na makakamit ko rin ito at ito ang isang napakagandang regalo na gusto kong matanggap.Kayo ano ba ang mga pangarap nyo?
Bago ko tapusin ito ay nais kong magpasalamat sa Diyos dahil binigyan niya ako ng mababait na magulang at siyempre sa aking mga magulang na gumagabay sa akin gayon din sa aking mga kapatid at mga kaibigan....At dito nagtatapos ang aking kuwento!!!!!
No comments:
Post a Comment